I learned something new today!
Hip! Hip! Hooray!
Tunay na araw ng kalayaan ng Pilipinas, ng ating Inang bayan.
Homework ko po ito and Mommy helped me with research and how to summarize the information we got from Wikipedia. The question was: "Kailan ang tunay na kalayaan ng Pilipinas?"
Here's what we got:
Ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas ay ginanap noong Hunyo 12, 1898 ngunit hindi ito kinilala ng Estados Unidos at ng Espanya. Dahil dito, nagkaroon ng tinatawag ngayong Digmaang Pilipino-Amerikano kung saan natalo ang Pilipinas at nahuli ng Estados Unidos si Emilio Aguinaldo. Nagkaroon pa rin ng maliliit na pag-alsa noong mga sumunod na taon.
Nang matapos ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig ipinagkaloob ng Estados Unidos ang kalayaan noong ika-4 ng Hulyo sa bisa ng Kasunduan sa Maynila noong 1946. Ipinagdiwang ang Hulyo 4 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas hanggang noon lamang Agosto 4, 1964. Nang dahil sa payo ng mga dalubhasa sa kasaysayan at mga makabayan, nilagdaan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Pambansa Bilang 4166 kung saan itinakda bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ang Hunyo 12, 1898. Bago pa man ang Batas Pambansang ito, ipinagdiriwang lamang ang Hunyo 12 bilang Araw ng Watawat ng Pilipinas.
So, this is what I have submitted as my homework today. I definitely learned about our history. Part of it because as my teachers and parents would tell me, Philippine history is rich. There are tons and bits of pieces of information that a lot of us do not really know plus the many details we already know.
Philippines is quite interesting! And beautiful! I am proud to be Pinoy!
No comments:
Post a Comment